Saturday, August 28, 2004
fighter or quitter?

Nagpramis ako sa sarili noong kaarawan ko (august 17, 2004), na ititigil ko na ang paninigarilyo. Hindi po ganoon kadaling tumigil lalo na kapag nakasanayan na ng katawan mo ang paninigarilyo. May araw na natitiis kong hindi magyosi, pero mas madalas pa rin na napapasindi ako ng isa o dalawa sa isang araw. Hindi ko rin naman kasi pwedeng biglain ang pagtigil sa bisyo ko dahil baka magkaroon pa ako ng kumplikasyon sa katawan.

Para sa akin, okay na rin iyong magsisindi ako ng isang yosi sa isang araw, dahil kahit papaano kasi, nabawasan ko ang kaadikan ko dito. Ilang beses ko na rin sinabi na mag-q-quit na talaga ako. Ngunit kung ilang beses ko man sinabi iyon, ganoon din karami akong beses nabigo, dahil ang dahilan ko noon ay... i am not a quitter, i am a fighter, kaya hindi ako nag-q-quit sa pagyoyosi.

Ngayon, desidido na akong itigil talaga ang bisyo ko, medyo matatagalan nga lang ako bago ko tuluyang maiwanan ang pagyoyosi, pero alam ko na kaya ko talagang tigilan kung gugustuhin ko talaga.

Huling hirit, baka maging occasional smoker na lang ako kung hindi ko man tuluyan maiwan ang pagyoyosi. Teka, yosi muna ako, heheh.

Posted at 6:17:27 am by kyutistik
8 committed an unlawful act  




Thursday, August 26, 2004
BeRks DaY!

BeRks DaY!!!! If 4:30 pm means “Ang TV na!“, 6:00 pm every Wednesday is ‘Berks Time na!’. This is the time my barkada and I usually meet, hang out, catch up with what’s going on on everybody’s lives and get to our ‘pambuburaot’ in star bucks. We also make time to plan our gimiks on weekends and just have fun with the company of one another.

On our last ‘BeRks DaY’ (yesterday) we played question and answer portion. Yeah, kinda like the one they have on Little Miss Philippines,but I don’t think they ask ‘When was the last time you had sex?’ in LMP. Well, maybe if they took Willie Revillame under their wing. Anyway, while we were playing, Pamela asked me if I could buy her a venti coffee jelly. I said okay, but I told her it was 130 pesos. Tina, another friend, insisted it was 150 so we made a bet that if it was 130, Tina will be paying the 10 peso fee every time I get the lowest point. It was a deal.

Off I went to get the coffee jelly
“One Venti Coffee Jelly please…”
“150 pesos.”


Crap! Is it my fault that I’m not concious of the price of coffee jellies? Is it my fault that all I’d rather have a 5 peso sago than that? And yes, I lost. 50 bucks.

Ilang sago na sana ang nabili ko non.


Posted at 5:20:32 am by kyutistik
2 committed an unlawful act  




Tuesday, August 24, 2004
makulit ang tatay ko

makulit ba ang tatay ninyo?
ang tatay ko kasi, oo, sobrang kulit

teka, unang entry ko pala ito, kinakabahan ako, hindi kasi talaga ako marunong magsulat, pero okay na rin, blog ko naman ito, so walang pakialamanan :P

ganito ang madalas na eksena sa bahay namin
darating ang tatay ko galing sa trabaho, dadatnan kaming magkakapatid na nanonood ng telebisyon, hahalik kami sa kanya biglang tanda ng paggalang at dederetso naman si tatay sa kusina, titignan kung meron kanin na natira sa rice cooker sabay tingin na rin sa kung anumang ulam ang nasa lamesa, pagkatapos ay kakamayin niya ang ulam sabay subo din ng kanin galing sa rice cooker

ako: tay, kinakamay nanaman ninyo ang pagkain, baka mapanis agad iyan
tatay: tinikman ko lang
ako: eh araw araw na ninyo ginagawa iyan eh
tatay: tinikman ko nga lang

tapos maghuhugas ng kamay at

tatay: kumain na ba kayong lahat
kuya: opo, kayo na lang po ang hindi pa
tatay: nanay mo, kumain na?
kuya: lahat nga po kami kumain na
tatay: so ikaw, kumain ka na?
ako: si nanay, kumain na, si kuya archie, si kuya alex, ako at si lala ay kumain na, kumain na po kaming lahat, tapos na po kaming lahat kumain
tatay: so lahat kayo tapos ng kumain?

wala ng sasagot, kasi baka humaba pa ang usapan

*********
ibang eksena naman, tatay magtatanong, halimbawa, meron akong nagpuntang kaibigan sa bahay at pagkaalis ng kaibigan ko, ganito ang magiging usapan

tatay: sino na ba ulit iyong kaibigan mong nagpunta dito?
ako: ah si ryan po
tatay: sino iyong kaibigan mo?
ako: opo
tatay: so si ryan ang nagpunta kanina dito
ako: sino po ba tinatanong nyo?

hay ang sakit sa ulo....

**********
isa pa sa maraming kakulitan ng tatay ko, kapag nagtanong siya, kahit na anong tanong, at kapag sinagot mo, ang isasagot sa iyo kaagad ay 'huh?! ano?' syempre sasabihin mo ulit ang sagot, at sasabihan ka ulit ng 'ano?!'; para matapos ang usapan, isisigaw mo ang sinabi mo para marining niya, pagkatapos noon ay magagalit ito dahil pwede naman daw sabihin sa kanya ng mahinahon at hindi na daw kailangan pang sumigaw

hindi ko alam tuloy kung may pagkabingi ang tatay ko, o kaya naman ay simpleng makulit lang talaga



Posted at 11:33:27 pm by kyutistik
14 committed an unlawful act  

Mabuhay!

ako po si abel santella at sana po ay masayahan kayo sa aking munting blog

pinangalan ko pala itong 'kyutistik' dahil ako po ay isang autistik na batang... kyut

Posted at 9:45:39 pm by kyutistik
2 committed an unlawful act  




 


About Me

Nickname: Abel
Age: 27
Birth Date: August 17, 1979
Nationality: Filipino
Civil Status: Single
Occupation: Programmer
Religion: Catholic
Sign: Leo

Who I want to meet?
A vampire and ask him to make me one of them

My Thoughts:
I love seeing people laugh, at least I know that at those times they are laughing, problems are not being entertained and that is the reason why I like telling jokes
I am Abraham R. Santella and I can be the 'life of your party' :)



HP5 Countdown




Freedom of Speech
Shut up!


   





 
<< August 2004 >>
Sun Mon Tue Wed Thu Fri Sat
01 02 03 04 05 06 07
08 09 10 11 12 13 14
15 16 17 18 19 20 21
22 23 24 25 26 27 28
29 30 31


Pet Peeves

aaron : autistika : booie : chester : chris : cruise : edward : ergoe : fiel : hanne : ian : iskoo : jairus : james : jhenny : johan : johanna : jonray : kaizen : karen : kreiz : lauren : lagsh : lawrence : lee : lilintian : limpbwizit : luki : lyza : meann : neng : noreen : paeng : ralph : roni : ronnel : sempai : shally : timothy : wacko : ysa : yshie : zoan


Site Peeves

beerkada : click_the_city
friendster : hunter_x_hunter
image_shack : lee : lets_sing_it
peyups : rx 93.1 : uaap


Hit Counter
Free Web Counter
Since August 24, 2004


Archive
2004
08 : 09 : 10 : 11 : 12

2005
01 : 02 : 03 : 04 : 05 : 06
07 : 08 : 09 : 10 : 11 : 12

2006
01 : 02 : 03 : 04 : 05 : 06
07 : 08 : 09 : 10 : 11 : 12








 
Contact Me

If you want to be updated on this weblog Enter your email here:




rss feed